Minsan inaakala natin na yung mga dati nating kaibigan ay hindi na natin kaibigan dahil sa mahabang panahon na kawalan ng komunikasyon at ugnayan.
Kasi kapag hindi sila nagtetext, hindi sumasama sa mga gimik at minsan kapag parang hindi nila tayo pinapansin, iniisip natin na ayaw na nila tayo maging friend o kaya nakalimutan na nila tayo at pati na rin ang ating mga pinagsamahan (Take note: hindi lang yun basta pinagsamahan, andun na lahat tulad ng kalokohan, kasiyahan, kalungkutan, kulitan, awayan at lahat na ata ng nagtatapos sa "an" pwera lang upuan, haha (korni). Balik tayo sa totoong sasabihin ko.) At hindi lang yun, meron din yang kasamang kwento na mayroong tema na drama, pangspeech, horror, suspense, sex, quotes, fantasy, payabangan ng lolo, action, kasinungalingan, jamingan at syempre lahat ng yan ay with action and conversation ng nagkukwento.) habang take note nyan, haha.
Ayan na nga. Kaya marahil siguro datapwat (redundant) dala ng pride ganun na rin ang gagawin natin sa kanila.
Kung ayaw mong magtext, hindi na rin kita itetext.
Kung ayaw mong sumama sa mga gimik ng barkada, sige hindi ka na rin namin aayain at pipilitin (sigurado may pahabol pa yan "wag ka ngang paimportante").
Kung ayaw mong mamansin, hindi na rin kita papansinin. Sabi nga sa kanta ng rivermaya "hindi kita mapipilit, kung ayaw mo huwag mo."
Nakita mo na o nabasa mo ba? Sa palagay mo, tama bang isipin yun ng tunay na kaibigan? Yan ang karaniwang dahilan kung bakit maraming friendship ang nawawala. "PRIDE"
Pride, na sana ay sa paglalaba lang ginagamit.
Pride, na sana ay sa isda, karne, itlog, kanin at gulay lang ginagamit.
Pride, na sana ay sa kapartner lang ng groom ginagamit.
Sana naging paboritong pagkain ka na lang, para madali kang lunukin.
Kung sana lang ay marunong tayong magbalik tanaw sa masasayang alaala at pinagsamahan eh di sana marami pa rin tayo ngayong kaibigan. (ayun eh, pasok ba ang drama sa sentence ko? Hehe)
Sabi nga ni luffi ng one piece "namamatay lang ang isang tao kapag kinalumutan mo na siya." parang ganun din sa friendship. "mawawala lang ang pagkakaibigan kapag kayo ay nagka-ibigan." (joke lang). Ang sabi "nawawala lang ang pagkakaibigan kapag kayo ay naglimutan." (parang ang layo no? Anung konek? Haha)
Kaya nga wag mu agad iisipin na kinalimutan at nilimot ka na ng iyong kaibigan. Malay mo, meron siyang dahilan kung bakit hindi siya nagpaparamdam (sigurado may eepal dyan at sasabihin "panu sya magpaparamdam eh hindi naman sya multo." eh bakit yung hangin hindi naman multo?) tuloy na nga natin may epal kasi eh. O kaya Posibleng busy sa sarili nyang buhay, maraming ginagawa, maraming problema tapos makikidagdag ka pa.
Bakit kaya hindi mo subukang kamustahin? Kung hindi man sumagot ngayon, try mo ulet next time. O di kaya dalawin mo (may eepal na naman dyan, "bakit ko dadalawin, may sakit ba siya? Nasa sementeryo ba siya? Liligawan ko ba siya?" ay hindi, nasa probinsya sya dalawin mo para makapagbakasyon ka, haha. Nagets nyo ba yung punchline ko? Kung hindi wag mu ng isipin, di ko rin gets eh, haha.)
Parang facebook lang yan eh, kung wala ni isa sa inyo ang mag-aadd para kayo ay maging friend eh wala talagang chance na maging friend kayo. Hindi naman kailangan ng mahabang coversation, basta ang mahalaga eh yung pakiramdam na mayroon kang tunay na kaibigan. Isa lang naman ang dapat gawin para di mawala ang tunay na kaibigan. Pride lang ang sagot because real friendship never dies.
No comments:
Post a Comment