Wednesday, February 27, 2013

Ano Ba Talaga Kasi?

Bakit ganun? Napakahirap talagang intindihin ng mga tao dito sa Pilipinas. Ang sabi ng CHR chairman "kahit na gumawa ng kasalanan ang isang tao, dapat hulihin siya ng maayos at huwag sasaktan. Dapat ang mga pulis ay hindi gumagamit ng dahas." 

Kung ikaw ang pulis, may isang tao na gumagawa ng katarantaduhan... 

Halimbawa may nagwawala, may hawak na patalim, binabato yung mga sasakyan at tao na nagdaraan, naghahamon ng away at walang pinapakinggan. Sa palagay mo, makakaya mo kaya siyang hulihin na hindi siya sinasaktan? 

Ito pa ang isa... 

Halimbawa yung nagwawala hindi mahuli ng pulis. Anong iisipin o gagawin ng mga makakakita? Pagtatawanan yung pulis dahil hindi nya mahuli yung nagwawala? O mawawalan ng tiwala sa mga pulis dahil hindi sila kayang ipagtanggol sa mga nagwawala? 

Isa pa nga... 

Halimbawa yung nagwawala, hindi hinuli o hindi mahuli ng pulis. Kasi nga hindi nya magawang hulihin yung nagwawala ng hindi nya ito nasasaktan (sasabihin nyo maraming paraan para mahuli yun at sinasanay yun sa mga training nila. Tandaan nyo na iba ang training o practice sa tunay na nangyayari. Sa palagay nyo ba makakausap nyo pa ng matino yung taong walang pinapakinggan? Mag-isip naman kayo, pliz.) Ayun, hindi mahuli kaya patuloy lang na nagwawala. Ngayon, habang nagwawala at nambabato merong tinamaan. May nasaktang isang sibilyan kasi nga tinamaan ng bato. Eh nakita ng sibilyan yung pulis, hindi hinuhuli o hindi mahuli yung nagwawala. Sino ang sisisihin ng sibilyan, yung pulis ba o yung nagwawala? 

Paano ngayon yan? Yung taong nagdaraan tinamaan ng bato nung nagwawala. Kakasuhan ba ng commision on human rights yung nagwawala dahil nasaktan nya yung taong nagdaraan? O ang uunahin nilang kasuhan eh yung pulis na hindi hinuli yung nagwawala kaya mayroong sibilyan na nasaktan? 

Saan ba talaga dapat sila lumugar? Kapag may ginawa, maraming kumokontra. Kapag wala namang ginawa, may kumokontra pa din. Ang gulo nyo naman mga fellow countrymen. Para kayong number 69, baligtaran.

No comments:

Post a Comment