Friday, March 15, 2013

Bakit Mo Ko Mahal?

Kapag ba mabango ibig sabihin eh madalas maligo at kapag mabaho eh hindi na naliligo? Bilang tao, madali tayong nalilinlang ng ating mga pandama. Mata, ilong, tenga, dila at pakiramdam. 

Minsan: 
Akala mo meron kang nakita pero wala. 
Akala mo meron kang nadinig pero wala. 
Akala mo tama yung naamoy mo pero mali. 
Akala mo tama yung nalasahan mo pero mali. 
Akala mo yun yung nararamdaman mo pero hindi. 

Parang love, akala mo mahal mo na ang isang tao pero ang totoo hindi talaga. Magkaiba yung gusto mo siyang kasama dahil masaya ka kesa gusto mo siyang kasama dahil mahal mo siya. 

Magkaiba ang awa at pagmamahal. Hindi mo naman pwedeng sabihin na mahal kita kasi naaawa ako sayo. (di daw pwedeng sabihin eh nasabi naman.) Pwede mo ngang sabihin pero sa palagay mo tatanggapin ba yan ng pagsasabihan mo? 

Minsan may nagtanong saken kung bakit ko daw siya mahal, syempre gusto kong magpaimpress kaya pilit akong naghanap ng sagot. Andiyang sinabi ko sa kanya na mahal ko siya dahil masaya ko kapag kasama ko siya. Sinabi ko din na kaya kita mahal dahil nauunawaan nya ako kung ano at sino ako. Sinabi ko din na kaya ko siya mahal dahil mabait siya at maalalahanin sa akin. Sinabi ko din na kaya ko siya mahal ay dahil hindi ko kayang mabuhay at hindi ako makukumpleto kailanman kapag wala siya sa piling ko. (kita mo na? Ang galing mambola noh?) 

Pero naisip ko, ganun ba talaga ang pagmamahal? E pano kapag hindi ka na masaya, pano kapag hindi ka na nya kayang intindihin, pano kung hindi ka na nya naaalala at pano kung piling mo eh hindi ka na kumpleto? Ibig bang sabihin hindi mo na siya mahal? At kakayanin mo na bang mabuhay ng wala siya? 

Bakit yung iba? Yung tinatawag na mga martir? Kahit hindi na sila masaya, kahit puro sakit na lang ang nararamdaman eh itinutuloy pa din nila yung pagmamahal nila. Eh di ibig sabihin hindi totoo yung "mahal kita kasi masaya ko kapag kasama kita"? 

Saka bakit yung magkaibang lahi o kahit hindi magkaiba ng lahi? Magkaiba ng kultura, magkaiba ng kinalakihan at magkaiba ng salita? Di ba nahihirapan din silang magkaintindihan? Madalas nag-aaway dahil nga magkaiba ng kaugalian at kinalakihan. Tapos, anung nangyayari, di ba nagkakahiwalay? Kahit sabihin mong nagkahiwalay na ang dalawang tao, kahit masama ang loob ay hindi mo pa rin maiaalis sa kanila yung feeling na may pagmamahal pa ring natitira. Kahit galit ka, hindi kayo nagkakaunawaan, hindi kayo nagkakaintindihan ay patuloy pa rin yung pagmamahal mo kasi nga mahal mo siya. Eh di ibig sabihin ulit hindi totoo yung "mahal kita dahil nauunawaan mo kung sino at ano ako"? 

At at at saka meron pa, bakit yung kakilala ko? Palagi siyang pinagdadamutan ng oras ng bf nya? Tapos palaging nakakalimutan yung mga lakad at okasyon nila? Kahit loko-loko, masama ang ugali, palagi siyang inaaway at walang pakialam sa nararamdaman nya ay mahal pa rin nya bf nya. Ibig lang sabihin, hindi ulit totoo yung "mahal kita dahil mabait at maalalahanin ka sa akin"? 

Kaya nga: 
Hindi porke't masaya ka ibig sabihin mahal mo na. 
Hindi porke't naiintindihan ka ibig sabihin mahal mo na. 
Hindi porke't mabait at maalalahanin ibig sabihin mahal mo na. 
Hindi rin ibig sabihin na kapag kinukumpleto nya ang kakulangan mo eh mahal mo na agad. Bakit, ano ba siya? Pustiso, wig, hearing aid, bato, pampalasa, centrum o sahog? Tao siya at hindi kung ano pa man. Andyan man siya o wala, kumpleto ka pa rin. Maliban na lang kung nagdonate siya sayo ng dugo, kidney, mata, puso o anumang parte ng katawan nya. Ayun, pwede mo ng sabihin na "mahal kita kasi kinumpleto mo ko". 

Bakit ba kasi ang iniisip natin eh mahal na agad? Hindi ba pwedeng nakikinabang muna? 

Hindi ba, tama naman talaga na mahal mo ang isang tao dahil mahal mo siya. Walang labis walang kulang. Walang ibang dahilan. Kaya wag kang magpapabulag sa nararamdaman mong kaligayahan. At kapag may nagsabi sa'yo na mahal kita dahil mahal kita wag ka ng maghanap pa ng ibang dahilan at baka madisapoint ka lang. 

Ngayon, bakit mo nga ba ko mahal?

on Saturday, March 10, 2012

No comments:

Post a Comment