Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na maging teacher at magbibigay ng marka sa estudyante. Ikokonsider mo ba ang character, tiyaga, effort at extra curicular activity? Syempre kung ang mga dati o lumang teacher ang iyong tatanungin ay 75% akong sigurado na ikokonsider nga nila ang character sa pagbibigay ng marka. Pero kung ang mga bagong teacher ang tatanungin, 80% akong sigurado na sa performance o exams ng estudyante nila ibabase ang pagmamarka. (Tapos eepal ang school management at magbibigay ng bagong rules sa pagbibigay ng marka.)
Dalawang teacher na magkaiba, magkaiba ang paniniwala, magkaiba ang paninindigan at magkaiba ang pinagbabasehan. Parehong may punto, pero malaki ang magagawang pagbabago.
Meron akong kwento:
Ang bagong teacher, "Hindi kita pwedeng ipasa kung ganyan lang ang iyong performance dahil pagdating sa board exam ikaw din ang mahihirapan at may posibilidad pa na ikaw ay bumagsak. Para sayo rin ang ginagawa ko dahil kung ibabagsak kita ngayon ay malalaman mo na kulang pa ang iyong kaalaman at para maisip mo rin na habang maaga ay kailangan mo pang mag-aral ng mabuti."
Ang estudyante, "Sige po, salamat sa concern, pagsisikapan ko pong makapasa sa inyong subject sa susunod na semester."
Pagkaraan ng sumunod na semester ay kinuha ng estudyante ang failed subject nya at naipasa naman nya ito dahil sa payo o sa sinabi ng kanyang teacher kaya siya ay na-inspired na mag-aral ng mabuti. (kaya ang resulta, POSITIVE.)
Hep, hep, hep, teka muna wait. Hindi lahat ng estudyante ay ganyan mag-isip, meron sa kanila ito ang nasa isip.
Ang estudyante "Kainis naman oh, bagsak ako sa isa kong subject. Pumapasok naman ako palagi, nag-eefort naman ako, tahimik naman ako sa klase, hay naku. Nakakatamad mag-aral!" (ayan, may bagong recruit ang mga GT=Grupong Tamad. Kapag ganyan ang nangyari sa estudyante, sino ang talo?)"sino?"15people nagchorus.(sino pa nga ba? eh di yung estudyante. Kaya ang resulta ay NEGATIVE para sa mga estudyanteng tamad.)
Pero pano kaya kung ibang sinaryo naman ang nangyari?
Ang bagong teacher, "Hindi kita pwedeng ipasa kung ganyan lang ang iyong performance dahil pagdating sa board exam ikaw din ang mahihirapan at may posibilidad pa na ikaw ay bumagsak. Para sayo rin ang ginagawa ko dahil kung ibabagsak kita ngayon ay malalaman mo na kulang pa ang iyong kaalaman at para maisip mo rin na habang maaga ay kailangan mo pang mag-aral ng mabuti."
Ang estudyante, "sige po, salamat sa concern, pagsisikapan ko pong makapasa sa inyong subject sa susunod na semester."
Pagdating sa bahay, sinabi ng estudyante sa kanyang mga magulang na siya ay nagfailed sa kanyang subject.
Ang magulang "Sige anak, ayos lang yan. Basta't pagbutihan mo sa susunod ah para makapasa ka na." (ayos, very supportive ang parents pero pano kung hindi ganyan ang nangyari?..)
Pano kung ganito ang sinabi ng magulang "Ano?! may bagsak ka?! Hindi ka ba nag-aaral ng mabuti?! Sinasayang mo lang ang perang pinangpapaaral ko sa'yo! Halos magkandakuba na ko sa pagtatrabaho para mapag-aral ka lang tapos ganyan pa ang mangyayari?! Yaman din lang at may bagsak ka eh maghinto ka na, huwag ka ng mag-aral pu@%*ta."
(Nagulat ka ba sa nangyari o expected mo na? Ang O.A. noh, pero nangyayari talaga yan. Hindi mo rin naman kasi masisisi yung magulang kung bakit sya nakapagsalita at nakapagdesisyon ng ganun. Sino ba naman kasing hindi magagalit kapag yung pinaghihirapan mo eh binabalewala lang? Hindi naman kasi lahat ng magulang ay pare-pareho kung mag-isip. Mayroong supportive at meron din namang mabilis mabadtrip. Swertehan lang kung sino sa dalawa ang mapuntahan mo.
Yung estudyante naman kahit gustuhin man nyang makapagpatuloy mag-aral ay nawalan na siya ng tyansa dahil naggive-up na yung mga magulang nya. Pero sa estudyanteng tamad, para sa kanya pabor yun dahil ayaw na nga nyang mag-aral.
Saan kaya siya pupulutin ngayon? Ano ang kahihinatnan ng kanyang buhay? Bakit magkakaiba silang mag-isip? May idea ka ba?(kung may idea ka, magcomment ka.)
Sa palagay mo dapat ba nating sisihin yung estudyante dahil nagpabaya siya sa pag-aaral? Kasalanan din naman kasi nya kung bakit hindi siya nabigyan ng passing grades dahil hindi niya pinagbuti. Pero nakakasiguro ba tayo na nagpabaya nga siya sa pag-aaral? Pano kung mahina o mabagal lang talagang pumick up yung estudyante kaya hirap siyang matuto? Pano kung ginusto nyang magpaturo pero walang gustong magturo? Pano kung may problema pala siyang itinatago at wala siyang mapagsabihan o ayaw nya talagang sabihin? Pano kung hindi nya talaga maintindihan yung tinuturo ng teacher? Pano kung wala? Wala na kong maisip, hehe. Ang estudyante pa rin ba ang may kasalanan? O sila?
Ang kwento ng lumang teacher:
Ang lumang teacher "Alam mo ba na ang bababa ng mga quizes at exams mo. Pero sige, dahil sa tyaga at effort na ipinapakita mo sa klase ko eh ipapasa kita pero sa susunod dapat pagbutihan mo na ah."
Ang estudyante "salamat po, makakaasa po kayong mag-aaral akong mabuti."
Dahil sa pagkakapasa niya sa kanyang subject ay nainspire siyang mag-aral ng mabuti kaya naiimprove na nya ang kanyang performance sa mga quizes at exams. Mayroon na siyang matataas na marka. (kaya ang resulta, POSITIVE!)
Pero... Hindi nga lahat ng estudyante ay ganyan mag-isip.
Ang estudyante "Ayos! nakapasa ko kay teacher kahit puro bagsak at mabababa ang mga exams ko. Kahit hindi ka na mag-aral o magreview basta't pumapasok ka lang at mabait palagi eh papasa ka na. (syempre, ang resulta naman nito, alam mo na.)
Ang gusto ko lang namang ipabatid dito ay siguraduhin muna at busisiing mabuti ng isang teacher ang kanyang desisyon sa pagmamarka dahil ang isang marka ay kayang humulma ng matagumpay na tao at kaya rin nitong sirain ang buhay ng isang tao. Huwag sanang gamiting basehan ang board exam dahil hindi naman lahat ng mga cumlaude ay nakakapasa at hindi lahat ng maraming failed at mabababa ang marka ay bumabagsak. Kapag ba slow wala ng karapatang pumasa sa board? Porke ba pumasa sa mock exam at cumlaude eh sigurado ng papasa sa board? Depende pa rin yun kung pano ka mag-aadjust sa pagrereview at pagtake ng board exam. Huwag sana kayong magpadalos-dalos sa pagmamarka at huwag ding maghuhusga sa kung alin lang ang inyong nakikita dahil hindi lahat ay nakikita ng mata.
Sabi nga ni pareng bob ong "Hindi ba malaking pagkakamali ng maraming eskwelahan na gawing 0 to 10% lang ang 'character' sa computation ng grades gayong Character ang humuhulma sa tao, pamilya, bansa, mundo at kasaysayan?" di ba may punto naman si pareng bob? Kaya sa mga teachers at future teachers, hawak nyo sa inyong kamay ang manibela na magliliko sa hinaharap ng estudyante. Sa tagumpay ba o sa kasawian? It's up to you kung pano ka mag-isip, basta't ang mahalaga ikaw ang nagdesisyon at hindi ang iba.
on Wednesday, March 14, 2012
No comments:
Post a Comment