Pano mo malalaman ang gusto mong malaman kung hindi ka magtatanong? Pano mangyayari ang pangarap mo kung hindi ka gagawa ng paraan? Hindi mo makukuha ang tamang sagot kung hindi sa kanya mismo manggagaling. Maraming tao ang pwedeng magbigay ng opinyon, maraming tao ang pwedeng magsabi sa'yo na gusto ka nya o hindi ka nya gusto. Pano nila nalaman o malalaman? Bakit, sila ba siya?
Hindi mo ba maintindihan kung ano ang dapat mong gawin? Nahihirapan ka bang magdesisyon na humakbang pasulong? Magsasabi ka na lang ba ng "maghihintay na lang ako ng tamang pagkakataon"? Alam mo ba kung kelan darating ang tamang pagkakataon? Kailan nga ba kasi ang tamang pagkakataon? Ngayon ba, bukas, sa susunod na bukas, sa isang linggo, sa isang buwan, sa isang taon o baka nangyari na kahapon? Pano yan kung nangyari na nga kahapon pero napalagpas mo? Eh di wala na yung pagkakataon na hinihintay mo? Pwede pa kayang maulit yung tamang pagkakataon, pano kung hindi na? Swerte mo kapag naulit pero hindi mo naman pwedeng ibalik dahil tapos na, kaya malamang eh wala ng pag-asa na maging kayo. Kawawa ka naman, iniaasa mo kasi ang lahat sa bukas, pano kung hanggang ngayon ka na lang?
Alam mo naman na bawat segundo eh maraming pwedeng mangyari. Tulad na lang sa basketball, ang isang team na lamang lang ng 1 o 2 puntos eh pwede pang matalo kahit sa isang segundo. Ang isang tao na nagsasalita sa harap mo eh pwedeng mamatay sa isang iglap. Pano kung bigla ka na lang maaksidente? Pano kung tamaan ka ng ligaw na bala? Pano kung atakihin ka sa puso? Pano kung bigla ka na lang ma-stroke? Pano kung tamaan ka ng kidlat? Pano kung bigla na lang lumindol? Pano kung sa pagkurap at pagdilat ng iyong mata ay mayroon ng babangga sayo? Pano kung patay ka na, makakapagsalita ka pa ba? Eh di wala na?
Bilang isang lalaki ikaw dapat ang gumawa ng first move para kay babae. Dahil magmumukhang mababa ang babae kapag siya ang nanliligaw sa lalaki. Sabi nga sa kanta ng parokya ni edgar "hindi ako yung tipong nagbibigay motibo. Concervative ako kaya di maaari. At kahit mahal kita wala akong magagawa. Tanggap ko oh aking sinta pangarap lang kita." o di ba? Pano kung ganyan ang nasa isip ng babae, e di wala na talaga?
Pano kung madami ding nagkakagusto sa kanya, e di wala na talaga?
Pano kung may manligaw na iba, manliligaw ka pa ba?
Kung mahal mo ang isang tao walang makakahadlang. Sabi nga sa pinakagasgas pero effective pa rin na linya na alam ko eh "Kung gusto may paraan, Kung ayaw may dahilan"
Yung sinabi ko kanina na kapag ang babae ang nanligaw dun sa lalaki eh magmumukha siyang mababa eh jaming ko lang yun. Dahil lang niligawan mo yung lalaki mababa ka na agad? Hindi ba pwedeng mahal mo lang talaga?
Kung mahal mo talaga ang isang tao eh walang makakahadlang. Ano man ang sabihin nila, walang makakapigil sayong damdamin. Kasi nga, mahal mo siya. Maging girl, boy, bakla, tomboy stop ka man eh hindi yun dahilan. Kesa naman magpaligaw yung babae dun sa lalaking hindi nya gusto, eh di sya na lang ang manligaw dun sa gusto nya. Hindi naman totally manligaw, okay na yung konting motibo at konting paramdam. At least yung mabigyan lang ba ng konting clue na gusto mo siya, hehe.
Saka kapag naman nanligaw kasi yung lalaki at gusto mo rin eh huwag mo ng pagtagalin. Naglakas loob na nga eh, matinding effort na ginawa nya nun. Biruin mo, torpe nanligaw? What the f***! (ayun eh, bini build up si boy.)
Kapag ganun eh di may happy ending na kayo, may kilig moment pa. Tama? Kesa naman maghintay na lang kayong dalawa habang buhay dun sa tamang pagkakataon nyo.
on Monday, April 2, 2012
No comments:
Post a Comment